February 21, 2025

Home SHOWBIZ

Alex Calleja, sumagot na sa public apology ni Chito Francisco

Alex Calleja, sumagot na sa public apology ni Chito Francisco
Photo Courtesy: Alex Calleja, Chito Francisco (FB)

Tila maluwag sa loob na tinanggap ni stand-up comedian Alex Calleja ang public apology sa kaniya ng comedy writer na si Chito Francisco.

Sa latest Facebook post ni Alex nitong Sabado, Pebrero 15, makikitang ibinahagi niya ang inilabas na statement ni Chito sa publiko para humingi ng tawad.

“I would like to publicly apologize to ALEX CALLEJA, my fellow writer, for accusing him of stealing the car wash joke, when in fact, as he has presented proof and receipts, Alex wrote it ahead, which substantiated that he wrote the joke earlier than mine,” saad ni Chito.

Dagdag pa niya, “I would also like to say sorry to his family, friends, and his fans and supporters for my actions.”

Tsika at Intriga

Pananakit ni Jam kay Jellie, dahil sa simpleng 'di pagkakaunawaan

“Apology accepted.  Now let's move on!” sagot naman ni Alex. “Salamat Atty. Howie Calleja and Atty. Lorna Kapunan ”

Matatandaang pinag-usapan kamakailan ang Facebook post ni Chito na tungkol sa isang Pinoy na stand-up comedian na ginamit umano ang joke niya. 

“Nanood ako ng Netflix special ng isang pinoy stand up comedian. Ginamit yung isang joke ko. Well, marami pa ako niyan brod. Madami ka pa puwede nakawin,” aniya sa post.

Naglapag pa ng resibo si Chito bilang patunay na nauna niyang naisip ang joke. Ngunit pinalagan ito ni Alex at naglapag din ng katibayan na siya ang mas nakaunang makaisip niyon batay sa kaniyang social media post.

MAKI-BALITA: Alex Calleja naglapag ng mga resibo, pumalag sa akusasyong 'nagnakaw ng jokes'