February 15, 2025

Home BALITA National

5.1-magnitude na lindol, yumanig sa Masbate; aftershocks, asahan!

5.1-magnitude na lindol, yumanig sa Masbate; aftershocks, asahan!
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 5.1-magnitude na lindol ang probinsya ng Masbate nitong Sabado ng umaga, Pebrero 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:28 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 29 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Claveria, Masbate, na may lalim na 10 kilometro.

Naiulat ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:Intensity III - City of Legazpi, ALBAY

National

Bulkang Kanlaon, 8 minutong nagbuga ng abo!

Intensity II - Tabaco, ALBAY; Masbate at Milagros, MASBATE;

Intensity I - City of Iriga, Ragay, and Tinambac, CAMARINES SUR; Batuan, MASBATE; Gumaca, Mulanay, QUEZON; Bulusan, SORSOGON

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.