Ibinida ng surfer na si Philmar Alipayo ang ginawa niyang panonorpresa sa partner niyang si Andi Eigenmann ngayong Valentine’s Day.
Sa latest Instagram reels ni Philmar nitong Biyernes, Pebrero 14, makikita ang bouquet na ibinigay ni kay Andi na gawa sa puso ng saging.
“Bahala saging basta kinasing kasing,” saad ni Philmar sa caption.
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Oh dibaa. Flowers na naa pay pang humba"
"i've been using banana leaves wrong my whole life "
"Lutuin na rin yan after brada "
"So sweet!"
"very creative "
"Gwapuha sa pagkahimo sa bouquet oi. HAPPY VALENTINE’S DAY Happy Islanders Family!!"
Matatandaang kamakailan lang ay nagkaroon ng isyu ang dalawa dahil sa umano’y friend na may couple tattoo kay Philmar.
MAKI-BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar
Ngunit noong Pebrero 10 ay sinabi ni Philmar sa pamamagitan ng Facebook reels na nagkaayos na raw sila ni Andi.
MAKI-BALITA: Marupok yarn? Philmar Alipayo, sinabing okay na sila ni Andi Eigenmann