Inamin ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na paminsan ay nag-aaway sila sa set ng kanilang taping ng pinagsamahang teleserye noong medyo bago pa ang kanilang relasyon.
Pero paglilinaw ni Jen, ngayon daw ay mas nag-mature na silang dalawa at hindi na nag-aaway sa set, lalo na't nagkatrabaho sila ngayon sa pelikulang "Everything About My Wife" na kolaborasyon ng GMA Pictures at CreaZion Studios.
First time magkatrabaho nina Jen at Den sa isang pelikula, na mag-asawa pa sila.
Sa kabuuan daw, na-enjoy naman nina Jen at Dennis ang pelikula dahil mag-asawa naman sila sa totoong buhay, at marami sa mga eksena sa pelikula ang pamilyar sa kanila.
Isinagawa ang mediacon ng pelikula sa Quezon Hall ng SEDA Vertis North sa Quezon City, Huwebes, Pebrero 13.
Mapapanood ang pelikula sa Pebrero 26 sa mga sinehan nationwide.