February 12, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Marupok yarn? Philmar Alipayo, sinabing okay na sila ni Andi Eigenmann

Marupok yarn? Philmar Alipayo, sinabing okay na sila ni Andi Eigenmann

Usap-usapan ng mga netizen ang sinabi ng surfer na si Philmar Alipayo na naayos na nila ng partner na si Andi Eigenmann ang gusot sa kanilang relasyon kamakailan.

Matatandaang pinagpiyestahan ng mga marites ang tungkol sa pag-unfollow nila sa isa't isa sa Instagram. Pagkatapos, nagpakawala ng Instagram stories si Andi patungkol sa kaniyang "girl best friend" ni Philmar na nagpalagay ng "couple tattoo" sa kaniya nang hindi man lamang daw kumonsulta sa kaniya. Ito raw ang naging dahilan ng kanilang pag-aawat na mag-partner.

Nitong Lunes, Pebrero 10, ay sinabi ni Philmar na nagkaayos na nga sila ni Andi. Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook reels ang video nila ni Andi kasama ang mga anak nila.

"It all went way [too] far and should have been handled in private," saad niya sa caption.

Relasyon at Hiwalayan

Ashley Ortega, 'di inakalang mapapantayan ni Mavy Legaspi maturity niya

"Ok na kami sanan ok ra kami," aniya pa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May mga nagbiro pa kay Andi na ang "rupok" daw niya. Pero sa mas seryoso, marami sa mga netizen ang nagpayo kay Philmar na mas maging conscious pa.

"Rupok yarn?"

"struggle is sometimes a path we must take brother keep your family close Whatever it takes. One Call a way ra me pirmi."

"I hope you are now more conscious and cautious of your actions and decisions, Philmar. Andi just lost her mother. When you have issues you talk to her, dont go to your female friends. She doesnt have her family in Siargao. You have everyone."

"The couple tattoo was published in public first. ‍ And your bestie posted it in public too thinking that the people in social media will understand her POV about it. It is never okay. No matter what your reasons are. Andi was left with the job of clarifying what the people just saw. You both crossed the line. Sana wag masyadong tapakan ang feelings ni Andi porket mahal ka niya. What if Andi will do it to you? A Couple Tattoo but not with you? Especially if Andi does it when both of you are not okay. Respect is very basic.."

"Ang rupok naman ni Andie girl hahaha pero oks lang yan kung para sa mga anak ninyo, and kung mahal ka pa niya gooo..."

"FAMILY FIRST, GOOOO...."

Matatandaang bago kumpirmahin ni Philmar na maayos na sila ni Andi ay naispatan muna silang nagla-lunch sa isang restaurant, kasama ang lola ni Andi na si Rosemarie Gil at asawa nito.Okay na ba? 

MAKI-BALITA: Okay na ba? Andi at Philmar, naispatang kumakain daw kasama ang pamilya

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang sinasabing girl best friend ni Philmar na si Pernilla Sjoo matapos masangkot sa isyu.