Pinasaringan ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro si Vice President Sara Duterte tungkol sa paninisi umano nito kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. tungkol sa mga kaguluhang nagaganap sa Pilipinas.
Maki-Balita: VP Sara sinisi si PBBM, 'di na raw bababa sa puwesto!
"Ang sabi pa ng bise presidente nagugulo raw dito dahil kay PBBM. Huh? Sino ba 'yong nagprotekta? Sino ba 'yong nagkasundo-sundo na protektahan at biglang makawala itong si Senator Bato? Si PBBM ba? o mga kaalyado n'yo? o mga kampon n'yo? Hindi naman parte ni PBBM itong mga kampon na 'to e," pasaring ni Castro sa isang YouTube video noong Mayo 15.
'Yan kasi ang mahirap sa isang bise presidente na hindi marunong gumamit ng computer so most probably hindi niya nareresearch lahat ang nangyayari, ibinubulong lang sa kaniya hindi kumpleto or gusto niya talagang i-twist 'yong facts at magmukha na lang siyang bobo," dagdag pa niya.
"Kasi wala kang alam. Imagine mo magsasalita siya nang ganyan tapos hindi niya alam sino unang nagpaputok ng warning shot!" pasaring pa ni Castro.
"Huwag mo naman lagi ipangalandakan na bobo ka. Mahirap 'yon," pagtatapos pa niya.
Samantala, wala pang pahayag ang bise presidente patungkol sa pasaring ni Castro sa kaniya. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.
Matatandaang nagsimula ang kaguluhan sa Senado noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13, 2026, nang biglang narinig ang sunod-sunod na mga putok ng baril sa loob mismo ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Nangyayari ang kaguluhan kasunod ng pagpapalit sa liderato ng Senado kung saan nahalal si Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President kapalit ni dating Senate President Vincent "Tito" Sotto.
Iniuugnay ng ilang ulat ang pagbabago ng liderato sa mga isyung kinahaharap ni Dela Rosa at sa nalalapit na impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: ‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato
KAUGNAY NA BALITA: Senate sergeant-at-arms Mao Aplasca, tinangging 'staged' putukan sa Senado!
KAUGNAY NA BALITA: 'Magpaliwanag sa publiko!' Sen. Win umapela kay SP Alan, OSAA ng Senado tungkol kay Sen. Bato
Kaugnay na Balita: Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, suspendido ng 6 na buwan—Ombudsman