June 06, 2026

Home BALITA National

VP Sara sinisi si PBBM, 'di na raw bababa sa puwesto!

VP Sara sinisi si PBBM, 'di na raw bababa sa puwesto!
Photo courtesy: Alvin Sarzate (YT), File Photo

Pinatutsadahan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na ito raw ang dahilan ng mga kaguluhang nagaganap sa Pilipinas at wala na raw itong balak na bumaba sa puwesto. 

Pagkatapos ito ng naganap na kaguluhan sa Senado noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13, 2026, nang biglang narinig ang sunod-sunod na mga putok ng baril sa loob mismo ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

Samantala, ayon naman sa impormasyong mula sa South Police District nitong Huwebes, Mayo 14, kinilala ang lalaki sa likod ng pamamaril bilang isang driver ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Mel Oragon. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Tulungan n'yo ako!' Sen. Bato, nakatanggap daw ng impormasyong aarestuhin na siya ng NBI, CIDG!

Ayon naman sa inilabas na video ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate sa kaniyang YouTube channel sa panayam nila kay VP Sara noong Miyerkules (araw sa The Hague, Netherlands), Mayo 13, inisa-isa ng huli ang umano’y mga kasunod na mangyayari sa kasong kinakaharap ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong kaso sa International Criminal Court (ICC), pagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha), at hindi raw pagbabasa puwesto ni PBBM.

National

Brodkaster kay Marcoleta: 'You only want your truth, kung hindi, bayaran ang media?'

“Una niyan si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sunod niyan si Senator Bato at kung sino pa man ‘yong ibang mga sinali sa complaint kuno sa ICC,” pagsisimula niya. 

Aniya pa niya, “Sunod niyan ay charter change. Dahil hindi naman na made-deny ‘yan ni BBM. Kasi doon sa bago niyang interview doon sa Bloomberg, sinabi na niya noon na kailangang pag-usapan ang charter change.” 

Diin ni VP Sara, hindi na raw bababa pa sa puwesto ang Pangulo kapag pinag-usapan na ang Cha-Cha at ito rin daw ang tingin ng kaniyang ama na si FPRRD.

“Kapag pinag-usapan natin ang charter change, ibig sabihin niyan ay hindi na ‘yan bababa sa puwesto si BBM,” saad niya. 

Dagdag pa niya, “‘Yan din ang sinabi ni President Duterte kanina. Sabi niya, ‘Pilipinas, mag-ingat kayo kasi hindi na ‘yan aalis sa puwesto.’ Sunod niyan ay ‘yong impeachment.” 

Pagpapatuloy ni VP Sara, si PBBM lang daw ang dahilan ng mga kaguluhang nagaganap sa Pilipinas.

“Totoo ‘yon. Magulo ang ating bayan na hindi naman sana. Nagkakagulo lang tayo dahil kay BBM,” pagtatapos niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag ang Pangulo kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘I will not arrest him!’ Pagdating ni SILG Remulla sa Senado, ‘di para arestuhin si Sen. Bato!