February 11, 2025

Home BALITA Eleksyon

Campaign period para sa mga senatorial candidate, partylist, aarangkada na!

Campaign period para sa mga senatorial candidate, partylist, aarangkada na!
Photo courtesy: Comelec (FB) and MJ Salcedo (BALITA)

Nakatakda nang umarangkada ang campaign period para sa mga senatorial candidate at partylist group . 

Batay sa inilabas na calendar of activities ng Commission on Elections (Comelec), magsisimula ang panahon ng kampanyahan para sa mga tatakbo sa national positions, kabilang na sa pagka-senador at partylist group bukas, Pebrero 11, Martes.

Samantala, ang campaign period naman para sa mga tatakbo sa local positions, kabilang dito ang mga miyembro ng Kongreso, provincial, city at municipal officials, ay magsisimula sa Marso 28.

Ayon sa Comelec, magtatagal ang panahon ng kampanyahan hanggang sa Mayo 10 lamang o dalawang araw bago ang election day sa Mayo 12.

Eleksyon

Midterm Election activities, inaasahang makapagbibigay ng maraming trabaho<b>—DOLE</b>

Nagpaalala naman ang Comelec sa mga kandidato na hindi maaaring mangampanya sa Huwebes Santo, Abril 17, at Biyernes Santo, Abril 18.

Mahigpit din ang habilin ng Comelec sa mga kandidato na tumalima sa mga inilabas nilang gabay at panununtunan sa pangangampanya upang makaiwas sa parusa at posibleng diskuwalipikasyon sa eleksyon