February 24, 2025

Home SHOWBIZ

Super Tekla, pinagdududahan pa rin totoong gender-identity

Super Tekla, pinagdududahan pa rin totoong gender-identity
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Tila taliwas sa inaakala ng marami ang isiniwalat ni Kapuso comedian-host na si Super Tekla tungkol sa totoo niyang gender-identity.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Tekla na hanggang ngayon ay kinukuwesityon pa rin ng ilang kung totoo ba talagang straight siya.

“May mga mangilan-ngilan. Sabi, 'Ano ba talaga ang identity mo?' Dati kasi, Tito Boy, naging parang ano ako, lalaki, para akong mag-aayos ng aircon. Alam mo 'yong gano’n?" lahad ni Tekla.

“So nagpe-perform ako hindi talaga siya nag-click sa akin,” pagpapatuloy niya. “No’ng nag-dress up ako ng girl, lumabas ‘yong character ko. “

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

Dagdag pa ng komedyante, “So in-embrace ko ‘yon. Pero I’m totally [a] guy. Straight.”

Matatandaang nauna nang ipinaliwanag ni Tekla sa isang episode ng “Sarap ‘Di Ba?” noong Pebrero 2024 na ginawa niya lang daw ang pagsusuot ng pambabaeng damit upang maging madiskarte sa showbiz industry.