February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Group pic kasama si Philmar na 'nakatingin sa iba,' usap-usapan

Group pic kasama si Philmar na 'nakatingin sa iba,' usap-usapan
Photo courtesy: via FTTM (FB)

Tila "dinogshow" ng mga netizen ang kumakalat na throwback photo ng isang grupong kinabibilangan ng kontrobersiyal na couple ngayon na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, matapos maispatang tila sa iba raw nakabaling ang tingin ng huli.

Makikita sa nabanggit na larawan ang iba't ibang mga tao kabilang na sina Andi at Philmar.

Bukod sa kanilang dalawa, makikita rin daw sa nabanggit na photo ang sinasabing afam na kaibigan ni Philmar, na umano'y ka-matching tattoo niya na naging dahilan daw para magpakawala ng cryptic posts si Andi.

Kung titingnan si Philmar, hindi naman siya nakatingin sa camera kundi nakabaling sa bandang direksyon ng kaniyang kaibigan, bagama't hindi naman sure kung siya nga ba ang tinitingnan nito.

Tsika at Intriga

Kathryn, ipapartner daw kay Donny; si Belle naman kay Robbie Jaworski?

Pinagdiskitahan naman ng Facebook page na "Follow The Trend Movement (FTTM)" ang nabanggit na larawan.

"dito po yung camera sær," mababasa sa caption.

Photo courtesy: via FTTM (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Di talaga nagsisinungaling ang mata. It's the eyes. Always the eyes. It can tell more than words could ever say."

"Hala nakuha sa tingin hahahaha"

"Baka naman sa iba nakatingin, minalisya lang kayo talaga hahahaha."

"Huli kaw hahahaha chos."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Philmar at Andi tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar

KAUGNAY NA BALITA: Andi nagpaliwanag na kung bakit may pa-cryptic posts

KAUGNAY NA BALITA: Philmar 'lumaban' sa pa-cryptic posts ni Andi