February 12, 2025

Home SHOWBIZ

Buking ni Marvin: Jolina, grabe mag-toothbrush bago umeksena

Buking ni Marvin: Jolina, grabe mag-toothbrush bago umeksena
Photo Courtesy: Screenshot from Maricel Soriano (YT)

Tila “nilaglag” ng chef-actor na si Marvin Agustin ang “Ex Ex Lovers” co-star niyang si Jolina Magdangal sa latest vlog ni Diamond Star Maricel Soriano.

Sa isang bahagi kasi ng vlog ni Maricel noong Sabado, Pebrero 8, inalala niya ang naging ugnayan nila ng noo’y ka-loveteam niyang si William Martinez.

“Ang maganda sa relationship namin ni William noon is alam namin kapag magtatrabaho na kami. Magkagalit kami kasi hindi siya nag-toothbrush,” saad ni Maricel.

Hirit tuloy ni Marvin, “‘Nay, alam ko na ngayon kung bakit ‘yong loveteam ko grabe mag-toothbrush. Grabe, toothbrush po nang toothbrush ito. Sa inyo nga yata nakuha.”

Teleserye

Maris Racal, nag-react sa eksena niyang nagtatatakbong naka-bra at panty lang

“Ako po kasi dalawang beses lang. Sa umaga saka sa gabi. Minsan nga nalilimutan ko pa sa gabi [dahil] sa pagod. Pero naman tuwang-tuwa si Jolina kausapin ako,” dugtong pa niya.

“Hoy, siraulo!” saway ni Jolina sa co-star niya. “Kung ano-anong sinasabi nito.”

Matatandaang minsan nang nagkasama sina William, Maricel, Jolina, at Martin sa pelikulang “Kung Ayaw Mo, Huwag Mo!” noong 1998.

Samantala, sa darating namang Pebrero 12 ay magsisimula nang mapanood sa mga sinehan nationwide ang reunion movie nina Jolina at Marvin na “Ex Ex Lovers.”

MAKI-BALITA: Jolina Magdangal, Marvin Agustin muling magsasama sa pelikula