Tila hindi pa rin daw tinatantanan ng mga tanong si showbiz insider Ogie Diaz patungkol sa iniintrigang panliligaw raw ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.
MAKI-BALITA: Alden, Kathryn lumevel up ang relasyon?
Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Pebrero 8, inispluk ni Ogie ang nasagap niyang impormasyon tungkol sa dalawa upang matuldukan na ang mga namumuong intriga.
“Tinatanong pa rin ako ng mga tao. ‘Ano ba? Nanliligaw ba si Alden Richards kay Kathryn Bernardo o pampelikula lang ‘yon?’” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Ang naririnig ko lang naman na for promo lang daw. Hindi naman daw totoo. E, sabi naman ni Ate Cristy Fermin sa kaniyang ‘Showbiz Now Na’ e lihim o hindi alam ng iba na nag-uusap daw privately si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo para ayusin ang sagot or whatever.”
MAKI-BALITA: Sasakyan ni Daniel, ilang gabi nang paikot-ikot kina Kathryn; nakikipagbalikan?
Tanong tuloy ng co-host niyang si Mama Loi, “So nanliligaw ulit si Daniel Padilla kay Kathryn?”
“‘Yan ang ating aalamin,” sagot ni Ogie. “Mas maganda marinig natin mula sa bunganga ng kabayo, ‘ika nga. “
Matatandaang wala namang kinukumpirma si Alden hinggil sa relasyon nila ni Kathryn maliban sa mas naging komportable daw sila sa isa’t isa nang muli silang magkasama sa “Hello, Love, Again.”
MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’
MAKI-BALITA: 'Malaki ang naging change:' Kathryn, Alden very comfortable na sa isa't isa