May bagong update si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa real-score nina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Hunyo 1, inispluk niya ang nabalitaan niya umano tungkol sa dalawa.

“Nabalitaan ko lang naman ito ‘yong tungkol kina Alden at Kathryn. [...] Sila na ang bahalang sumagot kung totoo ba Kathryn at Alden na kayo ay mag-MU [mutual understanding] na?” saad ni Ogie.

“Sabi lang ng source ko naman ito, na hindi raw minamadali ng dalawa na maging sila. Pero mayro’n silang unawaan. So, mayro’n nga silang MU,” aniya.

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

Dagdag pa niya: “Kasi syempre naman, kung mababalitaan natin bukas o next week na sila na, syempre ‘yong iba parang nakataas ang kilay. ‘Ang bilis-bilis naman.Kaka-split lang.’ Parang gano’n.”

Matatandaang naitsika rin niya ang tungkol sa umano’y madalas na pagdalaw ni Alden sa bahay ni Kathryn.

MAKI-BALITA: Alden panay raw dalaw sa bahay ni Kathryn, tinuturuang magmaneho?

Bago pa man ito, nauna na silang naispatang magkasamang nanood ng pelikula sa BGC.

MAKI-BALITA: Alden, Kathryn naispatang magkasamang nanonood ng pelikula

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag ang dalawa para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang tsika maliban sa isang panayam ni Alden kung saan niya sinabi ang isang makahulugang “what you is what you get” nang tanungin siya tungkol sa namamagitan sa kanila ni Kathryn.

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’