Isang 4.8-magnitude na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Linggo ng madaling araw, Pebrero 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:17 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 364 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 50 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.