Nagbigay ng pahayag si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos pirmahan ng 215 mambabatas ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa X post ni Trillanes nitong Miyerkules, Pebrero 5, nagpaabot siya ng pagbati sa Kongreso para sa pagtindig nito sa naturang isyu.
“Congrats sa Kongreso sa pagtindig nila para sa impeachment ni Sara!” saad ni Trillanes.
Dagdag pa niya, “Ngayon naman, kailangan muli nating mag-ingay at iparinig ang ating boses sa Senado. I-CONVICT SI SARA!!!”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang bise-presidente hinggil sa nasabing hatol ng Kongreso laban sa kaniya.
MAKI-BALITA: VP Sara sa impeachment na hatol laban sa kaniya: 'Mahirap mag-react'