February 04, 2025

Home SHOWBIZ

Yassi, sagot na tuition ng batang kapangalan niya sa Cebu City

Yassi, sagot na tuition ng batang kapangalan niya sa Cebu City

Ibinahagi ng aktres na si Yassi Pressman na siya na raw ang bahala sa pagpapaaral sa Grade 2 sa isang batang babaeng nakilala niya habang nasa Carbon Market sa Cebu City, na "Yassi" rin ang pangalan.

Ayon sa Instagram post ni Yassi, siya raw ang nasorpresa nang ipakilala sa kaniya ang bagets ng mismong nanay nito. Inamin ng nanay na ipinangalan niya ang anak sa kaniya.

Bilang pruweba, ipinakita ng ina ang isa sa mga sertipikong natanggap ni Baby Yassi sa school.

"ako yung na surprise?! " saad ni Yassi.

Teleserye

'Babango ng hininga! Herlene Budol 'nilaplap' sina Tony Labrusca, Kevin Dasom

"yassi meets baby yassi episode 3: isang masaya at nakakagulat na umaga sa carbon market, cebu city! habang namimili (at nagpapa cute! haha) lumapit samin si mommy na may baby yassi "

"unexpected special moments are simply the best. salamat carbon market, kay mommy at baby yassi for making our cebu trip extra memorable," aniya pa.

Sinabi mismo ni Yassi na siya na ang magbabayad ng tuition ni Baby Yassi para sa Grade 2.