Nakatanggap ng papuri sa mga netizen ang paglabas ng karakter ng Kapamilya actress na si Maris Racal sa pinag-uusapang action series na "Incognito" na mapapanood sa Netflix at iba pang platforms ng ABS-CBN.
Nagkita na rin ang mga karakter nila ng reel partner na si Anthony Jennings, na talaga namang pinuri ang aktingan at chemistry ng mga netizen.
Sey ng mga netizen, isantabi ang kinaharap nilang kontrobersiya kamakailan, hindi raw maitatangging mahusay na aktor at aktres ang dalawa, at kakaiba raw ang kanilang chemistry na tumatagos onscreen.
MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
Tila na-redeem nga ng dalawa ang kanilang mga sarili matapos ang pinakitang pagganap sa nabanggit na serye.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Kilig talaga itong dalawa ,may pagkacomedy di boring ang mga role nila ,binabantayan ko lagi ang mga eksena nila super ganda incognito"
"Hate them or love them, pero hindi natin maaalis na may chemistry talaga sila and magaling talaga! Don't mind the bashers!"
"Ayan na silang dalawa. Grabe talaga ang chemistry at ang galing sa actingan. Love them both."
"Minus the personal issues, undeniably na mahusay talaga silang dalawa."
"Ang lakas tlga ng chemistry nila.. Pero gnyan padin kaya sila sa mga susunod na scenes.. now na obvious na iniiwasan na si Jennings ni Maris?"
"Sus! Talagang bagay sila comedy Ang dating mapapakilig talaga."
Kamakailan lamang ay inilabas na rin ng Netflix ang teaser para sa kanilang kauna-unahang pelikulang pagtatambalan, ang "Sosyal Climbers" na mapapanood sa huling linggo ng Pebrero.
MAKI-BALITA: Maris at Anthony, bibida sa Netflix movie na 'Sosyal Climbers'