February 04, 2025

Home BALITA National

Lotto ticket na nabili sa Pasig, wagi ng 32M jackpot prize!

Lotto ticket na nabili sa Pasig, wagi ng <b>₱</b>32M jackpot prize!
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Isang bettor mula sa Metro Manila ang nakapag-uwi ng mahigit sa ₱32 milyong jackpot sa MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na ang winning ticket, na nabili sa Lucky Circle Corporation, Unimart, Capitol Commons, Pasig City, ay may winning combination na 31-04-17-07-19-27.

Ayon sa PCSO, mayroong isang taon ang lucky winner, mula sa petsa nang pagbola dito, upang kubrahin ang napanalunang ₱32,244,545.60 sa PCSO main office sa Mandaluyong City.

Kailangan lamang umano ng lucky winner na iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawng balidong IDs.

National

PBBM, itinalaga si retired police general Isagani Nerez bilang hepe ng PDEA

Samantala, nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20 percent tax sa ilalim ng TRAIN Law.

Inanyayahan din nito ang publiko na patuloy na suportahan ang kanilang gaming products upang mas marami pa silang matulungang mga nangangailangang mamamayan.

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.