Ibinahagi ni beauty queen-actress Herlene Budol na lumapit daw siya sa eksperto upang malampasan ang isyung kinaharap niya kasama ang dating āMagandang Dilagā co-star niyang si Rob Gomez.
Sa ginanap na press conference ng āBinibining Marikitā noong Lunes, Pebrero 3, sinabi ni Herlene na sumailalim daw siya sa psychological therapy.
āNagpa-psych ako para mas ma-process siya nang maayos sa 'kin [kung] bakit may mga ganoong klaseng tao na kailangan kang hilahin pababa,ā saad ni Herlene.
Dagdag pa niya, āMabigat po na paratang sa akin kaya mahirap āyung sitwasyon ko noon.ā
Pero sa kasalukuyan, naka-move on na raw si Herlene at nagpo-focus na lang sa pagpapaunlad ng kaniyang craft bilang aktres.
Matatandaang bago matapos ang 2023 ay nag-trending ang pangalan ni Rob dahil sa kumalat na screenshots ng pakikipagpalitan niya ng mensahe kina Herlene, Bianca Manalo, at Pearl Gonzales.
MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?
MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?
Pare-pareho namang nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon ang mga sangkot na personalidad sa naturang isyu na ipinukol sa kanila ng mga netizen.
MAKI-BALITA: Herlene Budol sa isyu nila ni Rob Gomez: āHindi ako hayok sa lamanā
MAKI-BALITA: Rob Gomez, tinuruan ng kaniyang inang si Kate na rumespeto ng babae
MAKI-BALITA: Bianca Manalo sinabing magbibigay lang daw ng Christmas gift si Rob Gomez