February 04, 2025

Home BALITA National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar dakong 1:54 ng hapon nitong Martes, Pebrero 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Guiuan, Eastern Samar, na may lalim na 21 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Dulag, LEYTE at Marabut, SAMAR.

National

PBBM, itinalaga si retired police general Isagani Nerez bilang hepe ng PDEA

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.