February 05, 2025

Home SHOWBIZ

BINI Aiah, binalaan ang publiko sa mga gumagamit ng pangalan niya

BINI Aiah, binalaan ang publiko sa mga gumagamit ng pangalan niya
Photo Courtesy: BINI Aiah (IG), Freepik

Umapela sa publiko si BINI member Aiah Arceta hinggil sa mga gumagamit ng pangalan niya para magpanggap na siya.

Sa Instagram story ni Aiah noong Lunes, Pebrero 3, inabisuhan niya ang kaniyang followers na hindi siya ang nagpapadala ng mga mensahe sa Telegram at Viber.

“I mainly use my Instagram to message people and this is my only main account. I also only have one number and I rarely give out my personal number for security purposes,” saad ni Aiah.

Dagdag pa niya, “People who truly know me know that I never start a private message, especially on Viber pa. Unless if it is something important or if it is something emergency.”

Vice Ganda kay Max Collins: 'Mabubulok ka rin!'

 Ayon sa BINI member, minsan na rin daw may nagpanggap bilang malapit niyang kaibigan at gumawa ng group chat kasama ang iba pa niyang kabarkada na nahingan ng ilang personal na impormasyon.