Sinabi ng content creator na si "Tito Mars" na tapos na raw siya paggawa ng mga content na kumukuha sa gigil at inis ng mga netizen, o tinatawag niyang "pangungupal."
Aniya sa kaniyang Facebook post noong Enero 29, "Oo, ako to! Yung Tito Mars na diring dirin sa SARDINAS, mahilig mang rage bait, mang-away, mangialam, at mag bigay ng mga one-sided na opinion kahit alam ko mali naman ."
"Alam kong marami sa inyong nanibago sa mga contents na nilalabas ko nung mga nakaraan, kase maayos, mahinahon, mabait na. New Year's resolution ko talaga to, na this year (2025) gusto ko ng i-pakita sainyo yung totoong ugali ko, yung totoong ako."
"Pasensya na sa lahaaaaaaatttttt (sobrang dami) ng mga taong na inis, na-offend, nagalit ko sa mga na-kakabuyset na contents na ginawa ko nung nakaraang taon."
"Kahit sabihin kong content lang naman yung mga yon, alam kong mali parin naman talaga. I take full responsibility and accountability sa lahat ng mga yon."
"Naiintindihan ko kung galit parin kayo saaken, dahil sa mga kakupalan na ginawa ko sa social media, pero sana sa tamang panahon, maintindihan nyo na ang ugaling pinakita ni Tito Mars ay isa lang 'CHARACTER SA INTERNET' at pag dumating na yung panahon na yon eh sana mapatawad nyo na rin ako ," aniya pa.
Matatandaang kinuyog ng mga netizen si Tito Mars matapos niyang gumawa ng isang video na tila diring-diri siya sa pagkain ng sardinas.
Matapso sitahin ng mga netizen at maging ng mga kapwa social media personalities at celebrities ay humingi ng tawad si Tito Mars sa kaniyang ginawa.