Tila kinakiligan ng studio audience ang hirit ni “It’s Showtime” Jackie Gonzaga kay Kapuso actor at “Pambansang Abs” Jak Roberto.
Sa isang episode kasi ng “It’s Showtime” kamakailan, nagsilbing hurado si Jak sa “Sexy Babes” at bago magsimula ang segment ay nagbato muna ng pick-up lines si Jackie.
“Jak, para kang buwan,” sabi ni Jackie.
Sagot ni Jak, “Bakit?”
“Kasi kahit madilim ang paligid noong nakita kita nagliwanag din,” hirit ng “It’s Showtime” host na sinundan ng pagtutog ng “Buwan” ni JK Labajo at sigawan ng mga tao.
Buwelta naman ng Kapuso actor, “Three months”
Matatandaang kagagaling lang ni Jak sa hiwalayan matapos itong ianunsiyo ng ex-girlfriend niyang si Barbie Forteza noong Enero 2.
MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!