February 02, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai may update kay 'Cheater,' bumili ng ring para sa bagong babae?

Ai Ai may update kay 'Cheater,' bumili ng ring para sa bagong babae?
Photo courtesy: Ai Ai Delas Alas (IG)

Muling nag-post ng kaniyang update si Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas tungkol kay "Cheater" na hindi niya tinukoy ang pagkakakilanlan.

Mababasa sa caption ni Ai Ai sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Enero 31, "Sabi ng mga soldiers ... Sana OL .. pagkaksyahin ko sa leeg nya ."

Ang tinutukoy ng komedyana na pagkakasyahin niya sa leeg ni Cheater ay ang singsing daw na binili nito para sa bagong karelasyon nito.

Subalit ang problema, hindi pa raw ito divorced sa kaniyang wifey o asawang babae.

Relasyon at Hiwalayan

Kim Chiu at Xian Lim 'nagkabalikan' dahil sa American celebrity news site

"SI CHEATER BUMILI NG RING ? AY WOW PANG ENGAGED NA? HUH DIVORCE NA BA SILA NI WIFEY ? NYEK HINDI PA NO!" mababasa sa ibinahagi ni Ai Ai.

Kahit hindi nagbigay ng anumang pagkakakilanlan, umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"wag mong pirmahan ang divorce paperpahirapan mo hahahah! pra hinde makasal ganern,,,"

"ngpapakasaya sila dito kasi alam nya greencard holder sya kasi kunin mo yun at para madeport sya ni trump . akala ni girl ok na lahat ."

"Yap, sabi nila pag hindi na masaya to set them free… how about the pain that cost of the heart ache? Let them suffer na hindi sila makasalHuwag mong pirmahan ang Divorce papers Ms. Ai, so ano after makuha ang lahat iiwan ka… B. S."

"Ang kapal ng girl"

"Huwag pirmahan ang divorce paper hahaha."

Hindi ito ang unang beses na nag-post ng updates si Ai Ai tungkol sa isang "Cheater."

Noong Enero 21, unang nagpasabog si Ai Ai tungkol sa cheater na ito at sa kaniyang "mistress."

MAKI-BALITA: May nabalitaan kay 'Cheater,' pasabog ni Ai Ai: 'Take note si mistress ay Pilipina!'

Samantala, kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagkumpirma ni Ai Ai na hiwalay na sila ng kaniyang mister na si Gerald Sibayan, sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda."