January 31, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rendon 'proud kuya' kay Rosmar: 'Mas marami kang natulungan sa pag-atras mo!'

Rendon 'proud kuya' kay Rosmar: 'Mas marami kang natulungan sa pag-atras mo!'
Photo courtesy: Rendon Labador, Rosemarie Tan-Pamulaklakin (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality na si Rendon Labador sa pag-urong sa kandidatura sa pagkakonsehal ng unang distrito ng Maynila, ang kapwa social media personality at negosyanteng si Rosemarie Tan-Pamulaklakin o mas kilala sa tawag na "Rosmar Tan."

Ibinahagi ni Rendon sa kaniyang Facebook post noong Huwebes, Enero 30, ang ilang mga ulat tungkol sa pag-atras ni Rosmar dahil sa kaniyang mga dahilan.

Sa katulad na araw ay nagsadya sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) si Rosmar upang pormal at opisyal na i-withdraw ang kaniyang kandidatura, para sa 2025 national and local elections (NLE).

MAKI-BALITA: Rosmar 'natauhan,' hindi na tatakbo sa pagkakonsehal sa Maynila

Tsika at Intriga

Rosmar 'natauhan,' hindi na tatakbo sa pagkakonsehal sa Maynila

Sey pa ni Rendon, "isang taon" daw ang iginugol ni Rosmar para pag-isipan ang nabanggit na desisyon, dahil siya mismo ang nag-udyok sa kaibigan na huwag nang ituloy ang balak nito. Personal pa nga raw niyang pinuntahan ang kaibigan para pagsabihan.

Pero ayon kay Rendon, pinatunayan daw ni Rosmar na matalino siya, at mas marami raw siyang matutulungan sa kaniyang pag-back-out.

"Proud kuya here! Isang taon din yun pinag isipan ah.. Muntik na tayo guys ," ani Rendon sa kaniyang Facebook post.

"Pero mas madami talaga natutulungan si Rosmar tumakbo o hindi, may kamera man o wala tumutulong talaga yan. Saksi ako diyan! mabuting tao talaga yan, sadyang madami lang haters at naiinis tlaga sakanya kasi forte niya tlaga mang inis hahahaha "

Sa ilang mga ulat tungkol dito, ipinagdiinan pa ni Rendon na talagang matalino si Rosmar at mas marami pa siyang natulungan sa desisyon niya.

"Mas madami ka natulungan sa pag atras mo. Nag papatunay na matalino talaga si Rosmar. Proud kuya here," aniya.

Matatandaang nagdulot pa ng kontrobersiya ang collab nina Rendon at Rosmar sa Coron, Palawan matapos nilang makasagutan ang isang babaeng empleyado sa munisipyo, kaugnay sa isinagawa nilang pamamahagi ng tulong at pag-promote sa nabanggit na lugar.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar inulan ng batikos dahil sa 'komprontasyon' sa Coron

Naging dahilan pa nga ito upang maideklara silang "persona non grata."

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar idineklarang persona non grata sa buong Palawan

Nagsagawa naman sila ng public apology kaugnay nito.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar at Team Malakas nag-sorry sa nangyari sa Coron

Pero bago naging magkaibigan ay nagkapasaringan pa muna sila sa social media noon.

MAKI-BALITA: ‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol

MAKI-BALITA: Rendon, nag-react sa pag-flex ni Rosmar ng kita