Tila may pinasasaringan ang social media personality-negosyanteng si Rosmar Tan Pamulaklakin sa kaniyang social media account.

Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Nobyembre 30, humingi siya ng pasensya tungkol sa tumatahol niyang “labrador.”

National

France Castro, ipagbabawal confidential funds kapag naupo sa senado

“Pasensya na kayo kung tumatahol yung labrador ko. Panay motivational rice kasi kinakain walang nutrisyong nakukuha. Paano ayaw ng dog food,” sey ni Rosmar.

Wala mang binanggit kung sino pero laman ng comment section ang pangalan ng social media personality na si Rendon Labador.

Matatandaang nag-react si Rendon matapos isiwalat ni Rosmar kung magkano ang kinikita niya araw-araw.

“Patunay na hindi talaga nabibili ng pera ang katangahan,” saad niya.

Maki-Balita: Rendon, nag-react sa pag-flex ni Rosmar ng kita

Sa sumunod pang post, nagpasaring ulit si Rosmar.

“Kakawala lang ng FB mo ayan ka na naman. Ako naman ngayon trip mo. Di mo alam mas malakas ang super powers ko. Alam niyo na dapat gawin,” sey pa niya.

Matatandaang tinuluyan ng META ang pagbura ng Facebook account ni Rendon noong Setyembre.

Maki-Balita: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na

Samantala, may isa pang pasaring post ang negosyante aniya, “dapat kasi hiwalay FB ng tao at mga aso.”

Sumalang sa “Toni Talks” si Rosmar kamakailan. Doon ay naitanong sa kaniya ni “Ultimate Multimedia Star” Toni Gonzaga kung totoo umanong kumikita siya ng ₱5 milyon kada araw bilang content creator at negosyante.

MAKI-BALITA: Rosmar, inusisa kung magkano kinikita

Dahil dito, kinalkula ng mga netizen kung magkano raw ang dapat bayarang buwis ni Rosmar Bureau of Revenue o BIR.