Matapos maintriga dahil sa pasabog na screenshots ni Jam Villanueva, tila patuloy na maglalayag ang tambalang "MaThon" nina Maris Racal at Anthony Jennings dahil muli silang bibida sa pelikulang "Sosyal Climbers" na mapapanood sa Netflix.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, Huwebes, Enero 30, "Maris Racal and Anthony Jennings star in the upcoming Netflix film 'Sosyal Climbers.'"
"The movie premieres on the streaming platform on February 27," dagdag pa nila.
Dahil dito, trending si Maris Racal sa X at marami sa mga netizens ang nagsabing kahit nagkaroon sila ng isyu ni Anthony, hindi pa rin maitatangging malakas talaga ang chemistry nila at talagang mahusay sa aktingan.