January 31, 2025

Home BALITA National

Ex-VP Leni Robredo, tampok sa community issue ng isang magazine

Ex-VP Leni Robredo, tampok sa community issue ng isang magazine
Ex-VP Leni Robredo (Courtesy: Mega Magazine/FB)

“Pag namulat na, hindi na muling pipikit…”

Tampok si dating Vice President Leni Robredo sa cover ng “community issue” ng isang magazine para sa buwan ng Pebrero.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Enero 30, ibinahagi ng “Mega Magazine” ang ilang mga larawan ni Robredo na kasama sa kanilang February issue.

“This February, MEGA unveils a new look, a wider reach, and a refined purpose, highlighting and empowering the women of Asia,” anang Mega Magazine.

National

Romualdez, inalala dedikasyon ni Lagman para sa ‘human rights, good governance, social justice’

Binanggit ng magazine sa kanilang February issue hinggil kay Robredo ang “Angat Buhay” na itinatag nito noong 2022, na sa ngayon daw ay nagsisilbi nang “largest volunteer network” ng Pilipinas.

“Lagi ko itong sinasabi, pag namulat na, hindi na muling pipikit,” ani Robredo sa Mega Magazine. 

Binanggit din ng magazine ang relief efforts ng dating bise sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine partikular na sa Bicol region.

Bukod dito, itinampok din sa isyu ng Mega kung paano nagtutulungan ang kababaihan para sa iisang layunin. 

Si Robredo ang naging bise presidente ng bansa mula 2016 hanggang 2022. Kasalukuyan siyang kandidato bilang alkalde ng Naga City.

Inirerekomendang balita