Ibinida kamakailan ng doctor-social media personality na si Doc Alvin Francisco ang larawan nila ng aktor na si Derek Ramsay na nagpaunlak ng larawan sa kaniya.
Mababasa sa caption ng post ni Doc Alvin, "Pa edit po. Yung mas gwapo ako kesa kay Derek"
Dagdag na hirit pa ng content creator, "Pasensya na guys. Ang dami na ngang problema dumagdag pa ko."
"Mukang milagro ang kelangan ko, hindi editor."
Habang marami naman ang nagsasabing pareho lang naman silang guwapo, ang ibang netizen, napadako ang "goals" kay Derek na mister ng aktres at model na si Ellen Adarna.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Kay Derek lahat 'yon? Hahahaha."
"Kasuwerte naman ni Ellen hahahaha."
"Doc bat ganon. Di ko alam kung saan ako titingen"
"Parang dapat na tanong sinong mas daks?"
"omg Derek "
"Tanggapin na lang natin Dok Alvin na mas pogi talaga si Dak Derek. Truth will set us free"
"Dok Alvin and Dak Derek hahaha."
"Isang dok at isang dak hahaha."
Maging ang sikat na social media personality na si "Senyora" ay napakomento rin sa comment section.
Aniya, "Kay Derek lahat yon Doc?"
Samantala, sa kaparehong araw at tila parehong suot ay ibinahagi naman ni Derek ang appreciation post para sa mga taga-Cebu na mainit na tumanggap sa kanila para sa pakikiisa nila sa Sinulog Festival.
"Maraming salamat Cebu for all the love! I've celebrated with all of you many times, and every time i go, I'm so amazed with the reception you give. You guys are the best! Mahal ko kayong lahat! To my @winzirgames family, thank you for inviting me to experience the amazing energy of the cebuanos. PIT SEN̈OR!!" aniya.
Samantala, wala pa namang tugon, reaksiyon, o pahayag si Derek tungkol sa nasipat ng mga netizen sa kaniya.