January 25, 2025

Home SHOWBIZ

Rufa Mae Quinto, muntik nang mategi habang nasa US!

Rufa Mae Quinto, muntik nang mategi habang nasa US!
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ng Kapuso comedy actress na si Rufa Mae Quinto ang kaniyang near death experience noong huling beses na siya ay nasa Amerika

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, sinabi ni Rufa na hinimatay daw siya sa sobrang lungkot at nerbiyos.

“Hinimatay ako sa US sa sobrang nerbiyos, sobrang lungkot. Lahat na,” saad ni Rufa sabay pakita kay Ogie na larawan niya sa cellphone na may sugat ang baba.

“Nahilo ako. Kinukuha ko ‘yong food. Kare-kare. Ta’s parang nilalamig ako dahil sa gutom din. Kasi nga siyempre sabi ko, dami ko nang kinain noong Pasko ta’s pauwi na rin ako kailangan ko nang magpigil-pigil kumain,” wika niya.

Tsika at Intriga

KC Concepcion, Aly Borromeo nagkabalikan?

Dagdag pa ng aktres, “Gusto kong yakapin lang ‘yong anak ko. Alam mo ‘yon, ‘yong kung tulog siya, gusto ko lang nando’n ako sa tabi niya. Kaya hindi kami kumain. ‘Yong isang sandwich naghati pa kami.”

Pero pagdating daw ng alas-dose ng gabi, nagutom na raw talaga si Rufa. Kaya naglakad siya para kumuha ng makakain. 

Aniya, “Parang nanlamig ako. Namamawis, ganyan. Nahilo-hilo. […] Hanggang sa basta nahimatay na ako. Naramdaman ko na lang may masakit.” 

Kaya bagama’t nalulungkot siya dahil sa mga pagsubok na dumating sa buhay niya, mas pinili raw niyang “gumising” para sa kaniyang anak.

Matatandaang bukod sa gusto nang makipaghiwalay ng mister niyang si Trevor, hinaharap din ni Rufa ang kasong sinampa sa kaniya dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 of the Securities Regulations Code.

MAKI-BALITA: Mister ni Rufa Mae Quinto, inaasikaso na ang kanilang divorce

MAKI-BALITA: Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'