Nagbigay ng reaksiyon si Ice Seguerra sa pagkukumparang ginagawa ng marami sa kanila ng kapuwa niya singer-songwriter na si Jake Zyrus.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Huwebes, Enero 23, nakiusap si Ice na huwag na raw sana silang pagkumparahin pa ni Jake dahil magkaiba sila ng pinagdadaanan.
“I honestly wish that people would stop comparing us. Kasi, okay, we’re both trans, but, hindi porke pareho kaming trans, pareho kami ng journey. Iba-iba ang tao. Iba-iba ang journey natin. Iba-iba ang pinagdadaanan ng tao. Iba-iba ang pupuntahan natin,” saad ni Ice.
Dagdag pa niya, “I have my own journeys. He has his own journey. So, I hope they respect his journey as well. Stop comparing us because hindi nakakatulong ‘yon, e. Kumbaga, tigilan na natin iyan. Let Jake be Jake, di ba?”
Matatandaang minsan na ring pinalagan ni Jake noong Hunyo 2024 ang komento ng isang netizen na nangahas ihambing ang boses niya kay Ice.
MAKI-BALITA: Jake Zyrus pumitik, pumalag sa pagkukumpara kay Ice Seguerra