Pinalagan ni Jake Zyrus ang isang netizen na nagsabing sinayang niya ang boses niya bilang si Charice at paghahambing sa kapwa singer at transman na si Ice Seguerra, na bagama't dumaan din sa transisyon ay hindi naman daw nagbago ang timbre ng tinig at estilo sa pagkanta.

"Sayang boses mo Charice. Bakit si Ice Seguerra transman pero never binago ang boses. Sayang talaga," anang netizen.

Sermon naman sa kaniya ni jake, "First of all, with respect to my past, keep my deadname out of your silly mouth. And darling, it's because he hasn't taken any hormone therapy. It's a HUGE part of being a transman..."

Hindi na raw magpapaliwanag si Jake dahil batay raw sa naging komento ng netizen, ay mukha itong ignorante.

Musika at Kanta

SB19, tampok sa sikat na YouTube channel sa Japan

Isang netizen naman ang nagtanggol kay Jake, na sinegundahan naman ng singer.

"You support a trans, and bash another trans because of what? Birit? Yun lang? Make it make sense sis. Hater. Being a transgender is more than just singing high or low notes."

"And the audacity of you to deadname me and properly call Ice his real name. What a joke."

Matatandaang kamakailan lamang ay muling lumutang si "Charice" matapos ang trending na "All By Myself" performance ni SB19 main vocalist Stell Ajero sa concert ni hitman David Foster sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-react naman dito ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco at sinabing "incomparable" ang dalawa dahil magkaiba sila ng genres at estilo sa pag-awit; pareho naman daw silang magaling.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ice kaugnay sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Jake Zyrus, todo-talak sa netizen na nasayangan sa boses niya bilang Charice