January 24, 2025

Home BALITA National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Davao Oriental bandang ng 5:34 ng hapon nitong Huwebes, Enero 23.

Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol. 

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 20 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Hontiveros, binuweltahan ‘budol’ remark ni Villanueva hinggil sa Adolescent Pregnancy Bill

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.