January 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Bulkang Kanlaon, 5 beses nagbuga ng abo; 12 pagyanig, naitala rin

Bulkang Kanlaon, 5 beses nagbuga ng abo; 12 pagyanig, naitala rin
Bulkang Kanlaon (File photo)

Limang beses na nagbuga ng abo at 12 beses na yumanig ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island sa nakalipas sa 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes, Enero 21.

Sa tala ng Phivolcs, kabilang sa 12 volcanic earthquakes ang limang volcanic tremors na tumagal ng walo hanggang 56 minuto.

Nito ring Lunes, Enero 20, nang magbuga ang Kanlaon ng 3,733 tonelada ng sulfur dioxide flux (SO2).

Samantala, iniulat din ng Phivolcs ang pagbuga ng Kanlaon ng plume na may taas na 300 metro, na napapadpad sa kanlurang bahagi nito. 

Probinsya

Magsasakang dalawang araw nang nawawala, nakitang pugot ang ulo

Wala rin daw patid ang pagsingaw ng namamagang bulkan, na sa ngayon ay nakataas pa rin sa Alert Level 3.

Dahil dito, ipinayo ng Phivolcs ang paglikas ng mga nakapaloob sa anim na kilometrong (6 km) radius mula sa tuktok ng bulkan.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng Kanlaon.

Matatandaang noong Disyembre 9, 2024 nang pumutok ang Kanlaon, dahilan kaya’t itaas ang status nito sa Alert Level 3.

MAKI-BALITA: Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!