Ibinida ng batikang aktres na si Agot Isidro ang mga larawan ng reunion nila nina Maris Racal at Kaila Estrada, sa kaniyang Instagram post noong Lunes, Enero 20.
Hindi binanggit ni Agot kung bakit at saan nagkrus ang mga landas nilang tatlo, subalit ipinromote na rin ng una ang action series na "Incognito" kung saan kabilang sa cast members ang dalawa.
"Wonderful afternoon with my girls. Super proud of these two. And love, love, love them forever. Thank you for spending time with Mom," ani Agot sa caption.
"Ps. You can watch them kick ass in #Incognito," pahabol pa ni Agot.
Nagkomento naman dito ang aktres na si Ruffa Gutierrez.
"Where’s Gina?? " untag ni Ruffa.
"you were a week early!!!" tugon naman ni Agot.
Sina Agot, Maris, at Kaila pati na rin si Ruffa ay naging cast members ng seryeng "Can't Buy Me Love" na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle.
Direkta ang mga naging eksena nina Agot, Maris, at Kaila dahil gumanap sila bilang mga "Tiu" o mag-iinang Filipino-Chinese sa serye.
Samantala, kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagkilala bilang "Best Supporting Actress" si Maris sa 2024 Tag Victorious Awards sa Chicago, US, dahil sa pagganap niya bilang si "Irene Tiu."
Si Kaila, na gumanap namang "Bettina Tiu" sa serye ay Best Supporting Actress din sa kaparehong award giving body subalit para naman sa seryeng "Linlang," sa pagganap naman niya bilang "Sylvia."
MAKI-BALITA: Maris, Kaila waging 'Best Supporting Actress' sa 2024 Tag Victorious Awards