May 22, 2026

Home BALITA National

'Kung inilagay ako dito ng Panginoon for an 8 day mission, tatanggapin ko 'yon!'—SP Alan

'Kung inilagay ako dito ng Panginoon for an 8 day mission, tatanggapin ko 'yon!'—SP Alan
Photo courtesy: Senate of the Philippines (YT)

Inilahad sa publiko ni Senate President Alan Peter Cayetano na handa raw niyang tanggaping makapagserbisyo bilang Senate President sa loob lang ng walong araw, kung iyon daw ang ibinigay ng Panginoon. 

Ayon sa isinagawang press conference ni Cayetano nitong Lunes, Mayo 18, 2026, sinabi niyang hindi raw siya magtatanim ng sama ng loob kung sasabihin sa kaniyang magkakaroon ng kudeta laban sa kaniya. 

“It would be smart to tell at the last minute, I won’t take it against them,” pagsisimula niya. 

Ani Cayetano, tatanggapin niya raw ito kung iyon daw ang misyon na ibinigay sa kaniya ng Panginoon. 

“Simple lang ‘yan, kung inilagay ako dito ng Panginoon for an eight day mission, tatanggapin ko ‘yon. Pero kung mission ko ay simulan ‘yong impeachment, tatanggapin ko rin ‘yon,” aniya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Diin ni Cayetano, isang pribilehiyo raw na makapagsilbi siya sa publiko at sa Senado nilang Senate President kahit sa loob lang ng walong araw. 

Matatandaan kasing kakaupo pa lang ni Cayetano noong nakaraang Lunes, Mayo 11, 2026, nang naging matagumpay ang isinagawa nilang kudeta sa liderato ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III at siya ang pumalit sa huli matapos siyang makakuha ng 13 na mga boto sa kapuwa mga senador. 

“It’s a privilege serving you, serving our people, serving the Senate. But [kapag] sinabi nilang iiba ang direksyon, I will respect that,” saad niya. 

Paghahalimbawa ni Cayetano, hindi naman daw mahalaga kung gaano kahaba ang naging buhay ng isang tao kundi kung gaano ito naging makabuluhan.

“It’s not how long your life is, it’s how meaningful it is. Some people live a hundred years and say, ‘where has the time gone?’” ‘ika niya. 

“The Lord Jesus lived a little bit over 30 years pero in three years, nagawa niya lahat ng gusto niyang gawin. Of course I’m human, I think I can do much more if it’s rather than eight days but that’s not in my control,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa naman nagsisimula ang nakatakdang plenaryo ng Senado kung saan inaasahan ang mga kumalat na impormasyong magaganap ang kudeta laban sa liderato ni Cayetano.