May 21, 2026

Home BALITA Politics

Sa kabila ng mga panawagan: PBBM, buo pa rin tiwala kay SILG Remulla!

Sa kabila ng mga panawagan: PBBM, buo pa rin tiwala kay SILG Remulla!
Photo courtesy: via PCO

Pinabulaanan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang usap-usapang mapapalitan na sa puwesto si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla mula sa kaniyang puwesto.

Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Mayo 18, 2026, iginiit ni Castro na hindi pa raw napag-uusapan sa Palasyo ang nasabing palitan ng posisyon sa DILG.

"Wala pa pong anumang makokomento sa panawagang iyan. Hindi po ito napag-uusapan sa ngayon," ani Castro sa media.

Matatandaang umuugong ang mga panawagang sibakin sa puwesto si Remulla matapos ang pagkabigo niyang arestuhin si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa sa loob ng Senado.

KAUGNAY NA BALITA: ‘I will not arrest him!’ Pagdating ni SILG Remulla sa Senado, ‘di para arestuhin si Sen. Bato!

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Isa si Dela Rosa mga malalaking pangalang naging pugante sa ilalim ng pamumuno ni Remulla sa DILG. Ilan sa mga personalidad na hindi pa rin naaaresto hanggang ngayon ay sina dating Ako Bicol Partylist Rep.Elizaldy Co, dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at ang negosyanteng si Atong Ang na mastermind sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kabilang naman sa mga napipisil umanong ipalit kay Remulla ay sina dating senador Antonio Trillanes IV at dating DILG Sec. Benhur Abalos na isa sa mga nakaaresto kay Apolo Quiboloy at Alice Guo.

Sagot naman ni Castro hinggil dito, "Wala pa pong ganoong ibinibigay sa ating mga impormasyon.