Tila hindi raw nagustuhan ng ilang malalapit kay “Wil To Win” host Willie Revillame ang ginawa nitong pagtulong sa Kapuso comedy actress na si Rufa Mae Quinto.
Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” noong Linggo, Enero 19, pinag-usapan ang pagbibigay ni Willie ng ₱1M kay Rufa bilang tulong.
Kasalukuyan kasing humaharap ang komedyante sa kasong isinampa laban sa kaniya dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 of the Securities Regulations Code.
MAKI-BALITA: Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'
“May pangit na epekto sa mga malalapit sa kanila [...] kasi nagtaas ang kilay ng iba,” saad ni Romel Chika. “Na parang ‘bakit siya binigyan ng one million? Alam namin nangangailangan si Rufa Mae pero bakit si Rufa Mae na ‘di naman niya nakakasama, kami itong kasama niya sa trabaho at nagpapakahirap. Parang wala kaming natanggap na ganyan.’ Kung mayro’n man, pahirapan pa raw.”
Bukod dito, ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin, lumitaw din umano ang mga komento na kaya raw tinulungan ni Willie si Rufa ay dahil pakikinabangan niya ang huli sa politika.
“Saka ‘yong bashing kay Willie ‘di ba nakalagay, ‘E, kasi pakikinabangan mo sa kampanya,” aniya.
Matatandaang isa si Willie sa mga naghain ng certificate of candidacy sa pagkasenador noong Oktubre 2024 sa The Manila Hotel Tent City.
MAKI-BALITA: Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador