May inihingi ng tawad sa publiko ang Kapuso star at 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actor dahil sa pelikulang "Green Bones" na si Dennis Trillo, dahil sa ipinagawa sa kaniya ng misis na si Ultimate Kapuso Star Jennylyn Mercado.
Walang dapat ikabahala ang netizens dahil "nothing serious" naman ito, dahil ang ipinagawa sa kaniya ng misis ay "Bangkok [Thailand] Transformation" na nauuso ngayon sa TikTok.
"Sorry guys, sabi kasi ng asawa ko gawin ko daw ito," caption ni Dennis sa kaniyang TikTok video.
Ipinakita ni Dennis ang kaniyang transformation mula Day 1 daw sa Bangkok hanggang sa mag-one year.
Sa ika-one year ay makikitang nakasuot na ng pink wig at naka-dress na si Dennis.
Disclaimer naman ng aktor na pampa-good vibes lamang ito.