January 20, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Cyber libel here we go!' Karla nagpasaring sa 'fame whore,' may kakasuhan?

'Cyber libel here we go!' Karla nagpasaring sa 'fame whore,' may kakasuhan?
Photo courtesy: Screenshot from Maricel Soriano (YT)/via Balita

Usap-usapan ng mga netizen ang umano'y social media post ni actress-TV host Karla Estrada patungkol sa isang "fame whore."

Ayon sa makahulugang post ni Karla, "Fame whore, Low life people. I don't have Time for this, But my lawyers has."

"Cyber libel here we go," dagdag pa niya.

Photo courtesy: Karla Estrada via Fashion Pulis (FB)

Hindi naman naglagay ng iba pang detalye si Karla kung sino ang kaniyang pinatatamaan.

Tsika at Intriga

Maris Racal, buwisit pa rin kay Anthony Jennings?

Kalaunan, hindi na umano makikita sa kaniyang Facebook account ang post, na maaaring nabura na daw, subalit kumalat na ang screenshots nito sa social media.

Samantala, sa iba pang kaugnay na balita, naging usap-usapan din ang naging Instagram story naman ni Jellie Aw, fiancée ng dating partner ni Karla na si Jam Ignacio, kung saan tinawag niya ang atensyon ng aktres at host.

Hindi nagbanggit ng mas detalyadong konteksto si Jellie, subalit batay sa kaniyang post, ay may ginawa umano ang ex-jowa ng kaniyang fiancé na nakaapekto sa kaniyang trabaho.

Mababasa, as is, "Karla estrada nanahimik ako! wag mo damay work ko [emoji] nanahimik ako mommy [emoji]," aniya.

Matapos ng post na ito ay wala nang binanggit pa si Jellie patungkol kay Karla.

MAKI-BALITA: Fiancée ng ex-jowa ni Karla Estrada, may cryptic post tungkol sa kaniya?

Nobyembre 11, 2024 nang ibahagi ni Jam sa social media ang mga larawan nila ni Jellie, ng birthday celebration nito at isinabay na rin niya ang wedding proposal.

Noong Agosto 2024, unang flinex ni Jam na may bago nang nagpapatibok sa kaniyang puso, matapos ang hiwalayan nila ng ina ni Daniel Padilla.

Pumutok lamang ang mga balita tungkol sa hiwalayan nina Karla at Jam noong 2023. Ang huling post pa ni Karla patungkol kay Jam ay noong Marso 23, 2023, at hanggang ngayon, wala pang pahayag si Karla patungkol sa nangyaring break-up at kung anuman ang puno't dulo nito.

Wala pa ring pahayag ang dating "Face 2 Face" host sa naging pagbanggit ni Jellie sa kaniyang pangalan sa Instagram story nito, o kung sino ang pinatatamaan niya sa kaniyang umano'y buradong post tungkol sa "fame whore" at "cyber libel case."