Inamin ng ama ni Kapuso actor Paul Salas na si Jim Salas na nagkaroon daw siya ng sama ng loob sa ex-girlfriend ng kaniyang anak na si Barbie Imperial.
Sa isang episode ng “Lutong Bahay” kamakailan, sinabi niya ang dahilan kung bakit nakaramdam siya ng sama ng loob sa aktres matapos ang hiwalayan nito at ni Paul.
“Ako, aaminin ko talagang sumama ang loob ko. Dahil siyempre bilang magulang, malalaman mo ‘yong balita na gano’n. Para sa amin, hindi siya fair na gano’n after all,” saad ni Jim.
Dagdag pa niya, “Itinuring ko siyang parang anak na rin, e. Kasi ako, basta mahal ng anak ko, mahal ko na rin. Tapos parang kami pa ‘yong pinalabas na gano’n. Na-hurt ako.”
Matatandaang hindi naging maayos ang hiwalayan nina Paul at Barbie dahil sa umano’y isyu ng pananakit matapos ibahagi ng huli ang mga larawan niyang may pasa sa katawan.
Pero sa kasalukuyan, tila masaya na naman silang dalawa sa kani-kanilang lovelife.
Si Paul ay karelasyon si Kapuso actress Mikee Quintos habang si Barbie naman ay nali-link kay Kapamilya actor Richard Gutierrez.
MAKI-BALITA: Paul Salas, balak nang pakasalan si Mikee Quintos?
MAKI-BALITA: Barbie Imperial, hindi 'third party' kina Richard at Sarah