July 07, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rico Blanco, binigay lahat kay Maris Racal?

Rico Blanco, binigay lahat kay Maris Racal?
Photo Courtesy: Rico Blanco, Maris Racal (FB)

Ibinahagi ni OPM singer-icon Rico Blanco ang pinakamahalagang leksyon na natutuhan niya sa mga nakaraan niyang relasyon.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Rico na kapag nagmamahal, ibigay pa rin daw ang lahat.

“Kasi kahit anong mangyari, there’ll be no regrets afterwards,” saad ni Rico.

Gayunman, inamin niyang mahirap daw magsimula ulit pagkatapos ng bigong relasyon.

Aniya, “It’s just a little harder to be ready again.”

Relasyon at Hiwalayan

Aminado sa financial problem: Mark kay Sachzna, 'Dapat sumuko ka na pero pinili mo pa rin ako!'

Matatandaang si Kapamilya star Maris Racal ang huling babae sa buhay ni Rico. Nagkahiwalay silang dalawa noong Hulyo 2024.

Maki-Balita: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na! 

Bukod kay Maris, ang isa pang celebrity na naugnay kay Rico ay si KC Concepcion. Ngunit wala namang kumpirmasyon ang dalawa hinggil dito. 

Samantala, bagama’t hindi niya pinangalanan, isang dermatologist naman ang kinumpirma niyang nakarelasyon niya noong 2014.

Ngunit sa kabila ng mga bigong relasyong naranasan ni Rico, bukas pa rin umano siya sa ideya ng pagpapakasal para sa tamang tao.