October 14, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Paul Salas, balak nang pakasalan si Mikee Quintos?

Paul Salas, balak nang pakasalan si Mikee Quintos?
Photo Courtesy: Paul Salas (IG)

Nausisa ang Kapuso actor na si Paul Salas tungkol sa planong pagpapakasal sa jowa niyang si Mikee Quintos nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.

Sa nasabing panayam, sinabi ni Paul na bagama’t pabiro nila itong pinag-uusapan ay nakakaramdam sila ng pressure.

“Biru-biruan pa lang, Tito Boy, pero may konting pagka-konting pressure na nape-feel both sides. Pero may biruan, Tito Boy. May pangarap,” lahad ni Paul.

“That’s good. Bahagi ‘yan ng journey. Nakaka-nerbyos ba?” natatawang sundot ni Boy.

Relasyon at Hiwalayan

'Nag-decide na kami:' Richard Poon, Maricar Reyes muntik na raw magkahiwalay

“Oo,” sagot ng aktor na natawa rin. “Parang hindi ko nakikitang pag-usapan. First time na napag-usapan, first time ko actually  na may biruan kaming gano’n.”

Matatandaang Mayo 2022 nang aminin ni Paul sa program segment na 'Pasabog Na Chika' na nasa dating stage na umano sila ni Mikee

Pero una nang lumutang ang tsikang nagkakamabutihan sila nang masipatan umano silang nagbabakasyon sa isang beach resort noong Disyembre 2021 kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

MAKI-BALITA: Paul Salas, may ibinuking tungkol sa kanila ni Mikee Quintos