January 20, 2025

Home SHOWBIZ

Dating contestant na si Sofronio Vasquez, naging guest hurado na ng TNT

Dating contestant na si Sofronio Vasquez, naging guest hurado na ng TNT
Photo courtesy: Sofronio Vasquez (IG)/It's Showtime (FB)

Kakaibang "plot twist" talaga ang nangyari kay "The Voice USA" season 26 grand winner Sofronio Vasquez dahil kung noon ay contestant lamang siya sa "Tawag ng Tanghalan" sa noontime show na "It's Showtime," sa naging grand finals naman ng TNT: The School Showdown ay isa siya sa mga umupong guest hurado.

Nakasama nga ni Sofronio ang mga music icons sa pagiging hurado ng TNT, sa pangunguna nina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Louie Ocampo, Marco Sison, at Nonoy Zuniga.

Nariyan din sina Jolina Magdangal, Yeng Constantino, Erik Santos, Kyla, Nyoy Volante, Jed Madela, Bituin Escalante, Klarisse De Guzman, Dingdong Avanzado, Kean Cipriano, at Darren Espanto.

Bukod sa pagiging hurado ay nagtanghal din si Sofronio kasama ang grand finalists.

Heart, hinimatay sa Fashion Week noon sa kagustuhang mabili mga bet na gamit

Matatandaang bago ang The Voice ay naging contestant muna si Sofronio sa TNT, subalit hindi siya pinalad na makopo ang kampeonato.

Gayunman, nilinaw ni Sofronio na talagang nasa TNT ang puso niya dahil nagsilbi siyang coach sa iba pang mga contestant na lumaban at nanalo na rin gaya ni Lyka Estrella.

MAKI-BALITA: Kilalanin ang Pinoy na si Sofronio Vasquez, The Voice USA Season 26 Winner

Samantala, ang itinanghal namang grand winner sa school edition ng TNT ay si Carmelle Collado ng Sipocot, Camarines Sur at kasalukuyang estudyante sa King Thomas Learning Center, Inc.

Bago pa man makasampa sa TNT, pinanday muna si Carmelle ng maraming karanasan. Isa na rito ang paglahok niya sa The Voice Kids Season 4 noong 2019.

Nakapasok siya sa blind audition at naging bahagi ng Kamp Kawayan ni “Rock Legend” Bamboo Mañalac. Bagama’t hindi naiuwi ang kampeonato, pinalad naman si Carmelle na maging finalist.

MAKI-BALITA: KILALANIN: Sino si Carmelle Collado?