Niyanig ng 4.0-magnitude na lindol ang probinsya ng Agusan del Sur nitong Sabado ng umaga, Enero 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, yumanig ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:03 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Talacogon, Agusan del Sur, na may lalim na 20 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.