Tila positibo pa rin ang pananaw ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez kahit Special Jury Prize at FPJ Memorial Award lamang ang parangal na nakuha ng “Topakk” sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, itsinika ni showbiz insider Ogie Diaz ang napag-usapan nila ni Sylvia sa ginanap na thanksgiving party ng “Topakk” casts, staff, and crew.
“Nakausap ko nga si Sylvia Sanchez, gano’n talaga as a producer. Talagang hinaharap nila ito. Pero sasali pa rin daw siya sa film fest next year,” saad ni Ogie.
Dagdag pa ng showbiz insider, “Sabi nga niya, ‘comedy pala gusto nila. Edi sige, gagawan namin sila ng comedy.’”
Actually, maganda naman ‘yong ‘Topakk’ talaga,” segunda naman ng co-host ni Ogei na si Tita Jegs. “Pang-Hollywood. Kaya okay lang na mag-celebrate din sila.”
Matatandaang nakasentro ang kuwento ng “Topakk” sa guwardiyang may post-traumatic stress disorder o PTSD na mati-trigger ang emosyon habang pinoprotektahan ang akusadong drug mule.
MAKI-BALITA: Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin