Ibinahagi ng social media personality, negosyante, at tumatakbo sa pagkakonsehal sa Maynila na si Rosemarie Tan Pamulaklakin na nasa maayos siyang kalagayan pati na ang baby sa kaniyang sinapupunan, matapos siyang mag-spotting at itakbo sa emergency room ng ospital upang kumustahin ang lagay nito.
"Regarding sa post ko na nagpunta ako sa ER. Nagulat ako na nagtrending na naman. Di lang siguro clear ang post ko kaya namisinterprent na naman ng iba," saad ni Rosmar sa kaniyang post.
"Ayan convo with my body guard. Mismong ospital ang nagsabi na pwede lang mag paultrasound kung mag papa ER ako.
and kaya ako nag pa ultrasound nung araw na un dahil may 'spotting' ako at buntis ako. Kahit sino naman sigurong nanay o buntis kung may spotting dederetso agad ng ER at gusto makita kung safe ang baby sa tyan at kakabahan lalo na kung 1st trimester and that day ko lang din nakita na May Baby na at may heartbeat na dahil last ultrasound ko sac pa lang."
"Dami talagang taong perfect wala namang alam sa buong pangyayari. Sana all perfect. Kung nanay ka lalo na kung buntis ka maiintindihan mo ang pakiramdam ng isang ina na kinakabahan kapag may spotting. ," paliwanag ni Rosmar.
Sa isa pang post ay ibinahagi ni Rosmar ang sonogram ng ultrasound sa kaniya na nasa maayos na kondisyon ang anak nila ng mister na si Jerome Pamulaklakin. Nasa dalawang buwan na pala ang kaniyang pagbubuntis.
"I Love You baby bunso. Buti nalang malakas si mommy at di para magpa apekto sa mga taong malulungkot ang buhay. Bubuo tayo ng masaya at kumpletong pamilya," aniya.