Nagbahagi ng appreciation post si Kapamilya actor at dating Hashtags member McCoy De Leon para sa “FPJ’s Batang Quiapo” co-star niyang si Irma Adlawan.
Sa latest Instagram post ni McCoy kamakailan, sinabi niyang love daw niya si Irma kahit magkaaway lagi ang mga karakter nila sa nasabing teleserye.
“Isa na namang loveteam ko sa Batang Quiapo ang nawala hehe,” panimula ni McCoy. “Kahit magka away kami lagi sa palabas sobrang lab ko yan pag walang camera. Miss u ate @irma_mahlee ”
“Awwwww… totoo!!! Cya ang kaaway Ko na MAHAL NA MAHAL SA AKIN” tugon naman ni Irma.
Dagdag pa niya, “Missing having scenes with you!Mumultuhin nanlang kita sa office Ko!”
Humakot pa ng samu’t saring reakisyon ang post ni McCoy mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Dalawang napakagaling na artista @mccoydeleon @irma_mahlee ""Ha,ha,ha….husay nyo David & Olga"
"Sana ikaw na david ang susunod na mawala"
"Sino kaya ang tatapos kay David "
"Ang galing nyo pareho. Inis na inis ako sa inyong dalawa"
"you learn a lot from her diba ?ang husay nyong dalawa"
"laban sa acting ,, McCoy is one of the serious and great actors of the Philippine Cinema"
Matatandaang namaalam ang karakter ni Irma matapos siyang barilin ni Marites na ginagampanan ni Cherry Pie Picache dahil sa pagtatangka niya sa buhay ni Tanggol na ginagampanan naman ni Kapamilya Primetime King Coco Martin.