Tila inalat daw ang 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) batay sa kabuuang kita ng mga lahok na pelikula.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Enero 13, sinabi ng showbiz insider na si Ogie Diaz na hindi man lang daw umabot ng maski ₱800M ang total gross ng MMFF entries.
“Hindi nga umabot ng one billion—not even 800 million—ang total gross ng 50th MMFF. Nakakaloka, mas mataas pa ‘yong kinita ng ‘Rewind’ last year,” saad ni Ogie.
Dagdag pa ng showbiz insider, “Ang kumita lang na literal ay ‘yong ‘The Bread Winner Is…’ Siguro kung sabihin mo nang naka-break even—o parang wala pa yata—’yong ‘The Kingdom’ saka ‘yong ‘The Green Bones.’”
Pero ayon sa MMFF executive committee kamakailan, umabot naman daw sa ₱1B ang total gross ng sampung pelikula sa film festival taliwas sa impormasyong ibinigay ng source ni Ogie.
Matatandaang umabot sa ₱902M ang kinita ng Rewind sa takilya noong MMFF 2023 at naitala pa ito bilang isa sa mga "highest-grossing Filipino movie of all time.”
MAKI-BALITA: Kita ng Rewind, malapit nang mag-₱1 bilyon