January 14, 2025

Home BALITA National

Amihan, easterlies, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH

Amihan, easterlies, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH
Courtesy: PAGASA/website

Inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan ang northeast monsoon o amihan at easterlies sa malaking bahagi ng bansa ngayong Martes, Enero 14, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Eastern Visayas dahil sa easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Malaki naman ang tsansang magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, MIMAROPA, at Quezon dahil sa malamig na hanging amihan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

National

Rep. Castro sa plano ni VP Sara na tumakbo bilang pangulo: 'Well, sana hindi siya manalo!'

Samantala, inaasahan ding magdudulot ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon. Wala namang inaasahang malaking epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers at thunderstorms din ang inaasahang mararanasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil pa rin sa easterlies. Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).